Thursday, May 10, 2007

wala ring magawa

What American accent do you have?
Your Result: The South

That's a Southern accent you've got there. You may love it, you may hate it, you may swear you don't have it, but whatever the case, we can hear it.

The Midland
Philadelphia
The Inland North
The Northeast
The West
Boston
North Central
What American accent do you have?
Quiz Created on GoToQuiz

Tuesday, March 20, 2007

Sagada

February 9, 2006

Maghapon akong naghanda ng gamit ko na dadalhin sa Sagada. Nag-decide kami ni Andrea na magkita muna nung hapon para magmerienda. Pagdating ng hapon, nagpunta muna ako ng UP at kumain kami sa Bermont's (isang maling desisyon na pagdudusahan ko sa buong trip sa Sagada). Bandang 0630p, nagpunta na ako sa SM North para naman sumakay papuntang terminal ng Autobus habang si Andrea naman ay nagpunta ng Makati para kunin ang allowance niya para sa trip namin. 1000pm kami required na nandun pero 0730pm pa lang nandun na ako, parang excited. Pagdating ko dun, di naman nagtagal at dumating na rin ang prof namin at si Niels (kaming tatlo nina Andrea ang magkaka-buddy sa Sagada trip). Maya-maya pa, dumami na rin ang mga kaklase namin na sasama. Hinatid na ni Tita Jean si Andrea sa terminal at halos eksakto lang ang dating nila. 1030pm umalis ang bus. Medyo natraffic pa nung nasa Manila tapos nagpafull tank pa yung bus. Buti na lang may movie ni Redford White na umaliw sa lahat sa bus at tawa nang tawa si Andrea. heheh. Nung una, hindi kami magkatabi ni Andrea. Ang katabi ko nun ay yung maganda naming classmate na crush ni Andrea. Pero pinalipat din naman niya ako at nagtabi rin kami. Di pa nakakalayo, inantok na ako kaya natulog na ako sa byahe.



February 10, 2006


Mahaba ang byahe papuntang Sagada. Expected na 0600a kami dadating ng Banaue at mula dun ay 3 hours pa papunta mismo sa Sagada. Nagkaroon kami ng dalawang stopover. Una ay sa San Miguel, Bulacan pero di na ako bumaba dun natulog lang ako. Yung sunod ay sa Nueva Viscaya doon bumaba ako para mag-cr. Medyo malamig na sa lugar na 'to at pag-akyat ko sa bus nagulat ako kasi may nakasakay pala na mummy sa bus heheh. Anyway, pag-upo ko, tulog ulit. 06:00a nagising ako nung medyo zigzag na yung daan. Malapit na pala kami sa Banaue nun. Di nga nagtagal, tumigil na yung bus. Na-realize ko na buong gabi ko pala ginawang unan si Andrea.. Heheh salamat, sorry.. Medyo umaambon at maputik yung daan kaya putikan agad kami pagbaba ng bus. Maya-maya pa, dumating ang dalawang service namin na maghahatid sa amin sa Sagada. Dumaan muna kami sa isang inn para mag-almusal. Dahil napuno ang service, sumabit muna ako sa likod at si Andrea naman sa harap nakasakay. Sa inn (Cozy Nook ata pangalan), nag-almusal kaming lahat. Mukhang masarap yung tapsilog nila, pero kaming tatlo ay hindi umorder kasi medyo mahal. Ang masama lang dun, inaasar pa ako ni Andrea kasi alam niyang gusto kong kumain nun. Nagkape na lang kami at kumain ng baon kong empanada. Halos wala rin akong gana dahil nga mali ang desisyon na kumain sa Bermont's bago umalis heheh. Pagkatapos namin dun, sumakay na ulit kami sa mga service namin. May ibang gustong mag-topload (sasakay sa bubong ng sasakyan) kaya nakasakay na rin ako sa loob. Magkatabi kami ni Niels sa harap nung isang service. Sayang lang kasi nahiwalay sa amin si Andrea =( Ang susunod naman naming pinuntahan ay ang Viewpoint. Dito mo makikita ang pinaka-magandang view ng Banaue Rice Terraces. May una kaming tinigilan na akala namin Viewpoint na, sobrang ganda ng view dun pero di pa pala talaga yun ang Viewpoint. Pero syempre, nagpapicture na rin kami dun. Syempre pag kasama talaga si Andrea, hindi mawawala yun. Sandali lang kami dun at nakarating na nga kami sa Viewpoint at totoo ngang sobrang ganda ng view dun. Masayang makita na natupad na ang isang pangarap ni Andrea na makarating sa Banaue at makita ang Rice Terraces. Kaya naman lagi lang siyang nakangiti at halos hindi nga makapagsalita kasi nag-eenjoy talaga siya. Pero syempre, tuloy pa rin ang pagkuha ng maraming picture. Namili rin kami ng mga souvenir dito. Tumingin ako ng table runner na request ni mami pero di pa ako bumili. Si Andrea naman ay bumili ng T-shirt. Kung anu-ano ring mga kakaibang gamit ang nakita namin dun at binili ng mga classmate namin. Bumili rin kami ni Niels ng black na bonnet na may tatak na Banaue. At sinuot agad namin yun heheh.


Pagkatapos sa Viewpoint, tumuloy na kami papuntang Sagada. Medyo matagal pa rin pala yung byahe mula dito. Ang ganda ng view kahit saan at yung ibang part ng daan ay rough road pa. Masaya naman yung byahe yun nga lang nasa kabilang sasakyan nga si Andrea. Halos lahat naman ay nakatulog pero ako, gising buong byahe. Nag-stopover pa ulit kami sa Mount Polis. Sobrang saya sa lugar na ito kasi sobrang lamig at nagmmist talaga at ang kapal ng fog. Sa mga ganitong lugar masarap kumain kaya naman naglabas na ng baon si Niels at nakikain kami ng hopia. May tindahan din sa malapit at bumili kami ng balut. Bumili rin kami ng yakult para panulak heheh. Yung iba naman naming classmate at pati na ang prof namin, red horse ang trip. Grabe pag nandun ka talaga sa lugar na yun, parang hindi ka na titigil kumain. Di ko na kailangang sabihin na nagpicture taking ulit. heheh. Halos 30 minutes din kami dun bago umalis at tuloy-tuloy na talaga hanggang Sagada. Pagbaba ng bundok, medyo uminit ulit pero ang ganda pa rin ng view. Yun nga lang, may ilang mga lugar na may mga rock quarry at talaga naman mapanira =( Dumaan kami ng Bontoc at mula dun daw ay 40 minutes na lang papuntang Sagada.


Paglampas namin sa bayan, tumahimik na ulit at di nga nagtagal, nakarating na kami sa Sagada. 0100p na kami nakarating at dumiretso kami sa St. Joseph's lodge na tutuluyan namin sa buong stay namin sa Sagada. Pagod ang lahat kaya naman diretso agad sa mga kwarto na naka-assign. Bad trip kasi nakahiwalay ng kwarto si Andrea sa amin. Pero syempre, if there's a will, there's a way heheh. Pagkatapos ng ilang pamamaraan, nakalipat din sa amin si Andrea. Ok yung kwarto na napunta sa amin. Isang bahay na yun actually at kasama namin dun yung mga varsity pero kaming tatlo ay may hiwalay na kwarto. May sarili rin kaming kama, 2 single at isang double. Pero di na namin ginamit yung isang single. heheh. Pagkatapos ayusin ang mga gamit, tiningnan muna namin ang paligid ng lodge at may nakita kaming mga puppuy na wala pa atang 1 month. Kaya syempre may tuwang-tuwa naman at kahit amoy puppy pa sila ay kinarga-karga pa rin. Tapos nagutom na kaya naghanap ng makakainan. Ang usapan lang ay kailangan magkita-kita ulit kami. Naglakad-lakad muna kami habang naghahanap nga ng makainan. Medyo nakalayo kami hanggang sa naisipan nang bumalik kasi walang makainan na mukhang mura. Sa bandang huli, 30 meters lang pala mula sa St. Joseph's ang kakainan namin. Sudimay ang pangalan at masarap naman ang pagkain kaso nung hapon na yun,fried chicken na lang ang available kaya yun na ang inorder naming tatlo. Ok naman kasi bukod sa mura, may sabaw pala ang fried chicken dito at may kasama pang gulay na pechay. Dahil sa sobrang gutom, mabilis lang kami kumain at bumalik na para sa una naming pupuntahan - educational trip nga naman 'to kaya kailangan pa rin sumunod.


Una naming pinuntahan ang St. Mary's Episcopal Church na isa sa mga unang pinuntahan ng mga American Missionaries sa Northern Luzon (Magaling nga pala mag-English ang mga taga-Sagada at iba pang area sa North) nung early 1900's. Medyo nagkatampuhan kami ni Andrea sa loob. Kung bakit, di ko na sasabihin. heheh. Pagkatapos sa simbahan, nagkaroon kami ng mini-hike (practice daw 'to para sa itinerary namin kinabukasan) para makita ang hanging coffins. Ayaw sumabay sa akin ni Andrea :( Bago makarating sa site ng hanging coffins, isang usual na cemetery muna ang dadaanan. Konting lakad pa sa mabatong trail at napunta na kami sa gilid ng mataas na bangin at sa kabilang bundok makikita ang hanging coffins na tinatawag naman na Lookout. Nung una, hindi ko makita kung nasaan at ilang beses pa itinuro sa akin ng prof namin at ibang kaklase. Siguro, hindi ko lang natanggap agad na nailagay yung mga coffin na yun sa ganung kataas na bangin na halos vertical na talaga ang surface. Ang galing at must-see talaga yung mga yun. Ang reason daw kung bakit nagkaroon ng hanging coffins ay kapag sa kuweba nila nilibing ang mga namatay nila, minsan daw, pinagnanakawan at yung iba naman kinakain ng mga hayop. Ganun na lang ang pagpapahalaga nila sa mga namatay nila na paghihirapan nilang iakyat sa gilid ng bangin. 30 minutes din siguro kami nagtagal dun bago bumalik sa trail na dinaanan namin. Tapos naglakad kami ng kaunti papunta sa east ng Sagada. May nadaanan kaming ospital at maraming souvenir shop. Ayaw pa rin sumabay :( Nakarating kami sa Sagada Weaving kung saan nakakita kami ng malalaking puppy at syempre natuwa nanaman si Andrea na halos makalimutan na malaki yung mga puppy at kaya siyang kainin nun. Buti na lang natauhan nung medyo malapit na siyang maabot. Anyway, ang galing ng mga naghahabi dito sa Sagada Weaving. Pilit kong inintindi kung paano sila bumubuo ng pattern pero di ko talaga nakuha. Napansin ko na lang, iniwan na ako ng lahat dun sa pinaghahabihan. Natauhan na lang ako nung tinitingnan na ako nung dalawang nagwiweave na parang sinasabi, 'sobra naman mamangha 'to parang tanga lang.' Anyway, pumunta kami sa souvenir shop ng Sagada weaving pero wala kami nabili kasi ang mamahal pero maganda talaga. Tumawid kami ng kalsada at may isa pang souvenir shop (Arts and Crafts ata pangalan) kung saan nagbebenta sila ng mga native na pagkain at alak. Pwedeng tikman ang kanilang tapuy kaso may bayad. Akala nung isa free taste. Yun pala ay 10 pesos per glass. 3 yung flavor, tinikman niya lahat kaya ayun 30 pesos. Pagkatapos nun, lakad ulit pabalik na sa St. Joseph's. Di pa rin sabay :(



0630 na. Pagbalik sa kuwarto, ayos ulit ng iba pang gamit na hindi naayos at nung natapos, ok na ang lahat. Ok na rin kami ni Andrea =) Maya-maya pa, nagutom na ulit. Napagdesisyunan na sa Sudimay pa rin kami kakain. Madilim na sa labas at sobrang tahimik kahit wala pang 0800pm. Sa grounds ng St. Joseph, may nakita kaming usa at hindi siya takot sa tao at malayang nakakagala. Sinigang at Menudo naman ang menu nung gabi. Medyo malamig na kaya masarap ang mainit na sabaw at umuusok na kanin. Dami nanaman nakain at sikat pala ang kainan na 'to sa mga karaniwang tao. Dami namin nakasabay na mga taga-doon na halatang galing pa sa trabaho nila. 3 mesa na pwedeng mag-upo ng tig-apat, siksikan pa. Pinromote din pala ni Andrea ang Sudimay sa iba naming classmate kaya ayun dun na nagsikain ang karamihan pati na ang prof namin. Nauna silang umalis kaya enjoy pa rin kami sa pagkain. Si Niels pala, lagin may dalang cup noodles tuwing pupunta kami dun kaya extra sabaw. heheh. Pagkatapos kumain, balik sa kuwarto para magpahinga sandali at pagkatapos ay pinatawag kaming lahat para mag pot session. Meeting pala. Pinag-usapan kung anong gagawin kinabukasan. Bago yun syempre, nagpakilala muna lahat. Halos lahat sila Anthro majors kaya close na sila at kaya sila interesado sa mga taga-ibang college. Habang nag-uusap, may umiikot din na shot ng emperador. Nakadalawa lang akong shot. Si Andrea naman, nauna sa akin dun at hindi ko agad nalaman na nakatatlo pala siya. Si Niels din nakatatlo at hindi uminom ng chaser kaya ayun pagbalik namin sa kuwarto, medyo may tama yung dalawa pero ayaw nila aminin kaya sige na nga.. Heheh ako rin daw meron :P



Pagdating sa kuwarto, hindi pa agad kami natulog kasi tawa pa ng tawa si Niels nun. Naglaro din kami ni Andrea sandali ng crazy 8 habang umiinom ng dala niyang tapuy kaya ayun mas lalong tinamaan. Ang taas ng tagay eh. Nung lights out na, dahil lasing... ...natulog na heheh.. Mainit sa Sagada pag gabi pramis :)



February 11, 2006


Nagising ako ng madaling araw kasi nga mali ang desisyon na kumain muna sa Bermont's bago umalis. Halos di na ako nakatulog nun at pinanood ko na lang matulog yung katabi ko. 0700 dapat gising na ang lahat kasi maraming nakaplanong lakad sa araw na'to. 0600, gising na si Niels at nagpunta sa Plaza at may binili. Sabado ngayon, market day ng Sagada kaya naman sobrang busy ng mga tao. Kami naman ay nasa kwarto namin at nagwawater-proof ng mga gamit.0630 naghanda na rin kami at nagpunta sa plaza. Balak sana namin ulit kumain sa Sudimay ng almusal pero pagdating nga namin sa plaza, andaming nagtitinda ng kung anu-anong pagkain. Daming pagpipilian at halatang gusto naming tikman lahat! Ang kinain ko dun ay carioca at guinatan. Si andrea naman ay kumain din ng guinatan. Si Niels biglang nawala, marami siguro kinain. Anyway, halos dun na rin ang munisipyo na lugar kung saan kami magkikita-kita kaya naghintay na lang kami.


Bandang 0730, nandun na ang buong klase at nagsimula na ang nakakapagod pero masaya naming araw. Una naming pinuntahan ay ang Lumiang Burial Cave. Mga 15 minutes na lakad din sa main road bago marating ang trail. Mula sa daan, meron pa ring makikitang mga hanging coffin sa mga nakapaligid na bundok. Habang tinitingnan mo yung mga yun, mararamdaman mo talagang napaka-spiritual ng lugar. Anyway, kahit sa gilid lang ng kalsada, may mga bangin na medyo malalim at meron ding mga coffin dun. Pagdating namin sa trail, excited na ang lahat. 15 minute trek din siguro bago marating ang Lumiang Cave. Sa gitna kami ng grupo pumwesto. Si Andrea ang nauuna sa amin, ako sa gitna at si Niels sa likod. Medyo may mga area na madulas kaya todo ingat talaga pero kung tuuusin madali lang yung trek na'to kaysa sa mga susunod naming tinahak. Pagdating sa burial cave ano ang ginawa namin? Syempre nagpicture! Ang daming kinuha ni Andrea na picture pero andami niya ring binura. Ganun naman lagi eh. May 30 na coffin siguro ang nandun na gawa sa trunk ng puno. Pero mas marami pa daw sa loob kaso di na pwedeng puntahan. Medyo malamig din dito kaya masarap magpahinga pagkatapos maglakad. Mga 20 minutes din kami nagtagal dito at bago umalis, minalas pa ako. Akala ko kasi, katabi ko lang si Andrea nun, yun pala bigla siyang umalis at pumalit yung isa naming kaklase na babae. Nung paakyat na ako, kumapit ako sa katabi ko at hinila ko. heheh pahiya syempre. Anyway, bumalik na kami sa trail at naghanda na ulit para sa susunod na destination.
Sunod naming pinuntahan ang Sumaging (Big Cave). Pagbalik namin sa main road, mula sa Lumiang, mga 30 minutes pa ang lakad. Nauna kaming nakaakyat galing Lumiang kaya nakapagpahinga pa kami ng 5 minutes sa gilid ng kalsada. Sa point na 'to, nag-aalala na ako kay Andrea kasi dahil sa sobrang sensitive ng paa niya, hindi kinaya yung sandals niya na Sandugo. Nagsusugat yung paa niya at kailangan muna naming i-treat. Sabi ko, papassanin ko na lang siya, ayaw naman. Minsan, hinuhubad niya ang sandals at naglalakad na lang ng nakapaa kahit "dirty." Habang naglalakad, todo picture pa rin ng mga magagandang sight at pati na ng mga sarili namin. heheh. May isang area dun na sobrang nagandahan ako. Yung valley sa area na yun na napakalawak na taniman nila tapos kitang kita mo talaga yung mga hiwalay na anino nung ulap sa lupa, grabe, hirap talaga i-describe. Binansagan pala namin ang lugar na yun na isang hidden village heheh. Pagdating namin sa trail papuntang Sumaging, mas malapit lang yung nilakad namin at nakarating na kami sa entrance. Mas malamig dito ng sobra! Tsaka parang may humihipan talaga galing sa loob. Excited lahat pero sobrang ginaw talaga. Hinati ang grupo sa tigwa-walong members. Syempre hindi kami pwedeng maghiwalay na tatlo. May inassign na guide sa bawat group na may dalang petromax. Ganun pa rin ang ayos naming tatlo. Iniwan na namin ang mga gamit na di pwedeng mabasa sa labas at binantayan ito ng walang iba kundi ang prof namin. heheh.Iba-iba ang composition ng lupa. May mabuhangin, maputik, matalas na bato at madulas na bato. Kaya naman lalo akong nag-alkala kay Andrea kasi nga may mga sugat na siya sa paa. Ang cave na'to ay pababa talaga. Pag may medyo mahirap lakaran na part, syempre inuunahan ko na si Andrea para alalayan siya. Mga 10 minutes pababa, kinailangan na naming iwan ang sandals namin at magpaa kasi mas mahirap na yung mga dadaanan namin. Medyo may tubig na sa baba kaya naman lalong lumamig. Pero sobrang sarap sa paa at sa pakiramdam at parang nakakawala ng pagod. Habang palalim nang palalim mas pahirap nang pahirap yung trail. Meron na ngal lugar na kailangan gumamit ng mga lubid tapos yung iba naman kailangan gumapang. Pero may magaganda ring area na merong mga pool yun nga lang may mga butas na ayon sa mga guide, sobrang lalim. Ito naman si Andrea, parang di nakikinig at nilalapitan pa talaga yung mga butas na wala pang 1-foot yung lalim, sobrang dilim na. Anyway, dun sa pinakamababang lugar na pwede naming puntahan, nagpahinga muna yung buong klase at lahat talaga ay sobrang masaya. Maya-maya pa, nagsimula nang umakyat lahat. Medyo mas mahirap paakyat pero mas masaya. May mga point na gagamit ka talaga ng lubid tapos kakapit sa mga bato para makaakyat sa wall. Basta sobrang saya talaga nung experience na yun tapos kasama ko pa si Andrea at syempre ang corps commander ng UP. Paglabas namin, halatang napagod ang lahat. Tapos kailangan pa naming maglakad ng halos isang oras pabalik sa lodge. Si Andrea, sobrang sakit na talaga ng paa at hindi na niya isinuot ang sandals. Nagpaa na lang siya kahit mainit ang kalsada. Dinaanan ulit namin ang hidden village at tumigil muna kami sandali nun. Tanghali na at medyo gutom na kaya nagpatuloy na kami umuwi. Pero may nagpapabagal pa rin sa amin at yun ay ang camera heheh. Picture pa rin ng picture at kailangan sundin ang sinasabi ng photographer. Sa kalagitnaan ng daan pauwi, may nakita kaming bilihan ng ice candy at nilibre kami ni Niels ng tig-isa. Anim lahat ang binili niya tapos yung isa, binigay niya dun sa bata na sumusunod sa amin. Daya tatlo sa kanya! Bandang ala-una na rin kami nakarating sa lodge. Wala nang tao sa plaza, tapos na ang market day.


Pagdating sa lodge, wala nang lakas gumalaw ang lahat. Hindi na nga nagbanlaw eh. Basta diretso sa kama. Hindi na rin kami nananghalian kasi gusto lang talaga namin magpahinga. Ganun na lang kami napagod. Ang masama pa dun, mas mahirap daw yung susunod naming pupuntahan. Kaya dun na lang kami sa kuwarto namin at kumain ng Voice na biskwit na baon ni Niels. Ang sarap nun at sa Sagada ko pa unang natikman. Nagpahinga kami hanggang 0330.Pagkatapos magpahinga, nag-ayos na ulit kami ng mga dadalhin namin.
Sunod naming pupuntahan ay ang Bomod-ok Falls. Nung una, hindi pa namin sigurado kung makakapunta kami dito kasi daw pag may tribal war, hindi talaga pwede kasi nagpapatayan nga eh tsaka hinaharangan daw talaga nila yung daloy ng falls. Anyway, sa likod ng St Mary's kami naghintay ng sundo namin. Nag-top load ang mga kaklase namin at kami ay sa loob sumakay. 20 minute drive lang naman at nandun na kami sa trail. Nagbabaan na agad lahat. Medyo nagmamadali kami kasi hindi kami pwedeng abutan ng gabi dun. 0430 kami nagsimulang bumaba. Sa pagkakataong ito, nasa bandang unahan kami ng grupo. Una pa rin si Andrea, sunod ako tapos si Niels. First 200 steps siguro ay may hagdan na bato. Pagkatapos nun, lupa na. Halos isang oras ang lakad na'to na lalo pang pinahirap ng pagkain mula sa Bermont's. Nakakapagod pero masaya pa rin. nagsimula kami sa taas ng mountain range pababa. Parang letter 'U' nagsimula kami sa kanang tip ng letter 'U' papunta sa gitna ng arc. 20 minutes, medyo boring pa ang trail pero pagkatapos nun, may 'hidden village' ulit kaming dinaanan. Naglabasan ang mga bata at sinamahan kami papunta sa falls. Pagkatapos ng barrio na 'to, halos puro rice paddy na rice terrace style ang dinaanan namin. May nakita kami ni Andrea na bulaklak na kulay blue sa daan na maganda at sabi niya dapat daw kinuha ko. Kaso hindi ako makabalik kasi single file lang ang makakadaan sa lugar na yun. Sinabi ko na lang na pagbalik ko kukunin at tinandaan ko ang lugar. Di nagtagal at nakarating na kami sa Bomod-ok at SOBRANG LAMIG ng tubig at hangin! Nagpahinga muna ang lahat bago nagsimulang lumapit sa falls. Si andrea syempre picture nanaman. Kami naman si Niels nasa isang gilid lang muna at kumain ng baon niyang Tostillas kasama ang mga bata na sumunod sa amin. Nung napagdesisyunan nang maligo, nalaman namin na hindi pala nadala ang short na pampaligo ni andrea. medyo nainis siya sa akin at hindi ako kinausap sandali hanggang sa lumapit na lang siya at pinaghubad ako! heheh dahil daw kasalanan ko yun, kailangan ko ipahiram ang shorts ko kaya ayun. nagtapis na lang ako habang siya ay naliligo suot ang shorts ko na malaki sa kanya. At syempre, dahil hindi ako naligo, ako ang naiwan at kumuha ng picture nila. Yung mga batang naki-share sa amin ng Tostillas, nagpasikat at tumalon mula sa isang rockface na 30 meters siguro ang taas mula sa pool. Hindi naman kami masyadong nagtagal dun kasi dumidilim na. Mabilis na umahon lahat at wala pang 5 minutes nagsimula na paakyat ng bundok. Nagulat ako kay Andrea kasi iniwan niya kami ni Niels. Tumakbo siya at inunahan pati lahat ng classmate namin. Siguro after 10 minutes pa bago ko siya naabutan at nalaman ko kung bakit siya nagmadali. Kasi daw, alam niyang mapapagod siya kaya nauna na siya para hindi naman kami mahuli masyado. Dito ko na nakitang sobrang nahirapan si Andrea.. nandun pa lang kami sa taniman, pagod na siya. Ang malungkot pa dun, nawala na yung bulaklak na nakita namin. Nung nakarating kami sa hidden village, sobrang patigil-tigil na talaga kami. Nagpalit na kami ng ayos. Si Niels na ang nauuna, si Andrea sa gitna at ako naman ang taga-salo. Hindi na nagsasalita si Andrea, halatang sobrang pagod. Nag-chewing gum na lang kami para hindi masyadong mapagod/mauhaw. Si Niels naman bumuo na ng mantra, "Think happy thoughts." Nakatulong din naman yun sigurado. Anyway, humanga talaga ako kay Andrea dito kasi ayaw niyang mahuli talaga kaya tuwing may nakakalapit sa amin, kahit sobrang pagod na, pipilitin niya tumayo at maglakad. Nakaalalay lang talaga ako sa likod at sinusuportahan siya. Di nagtagal, nakarating din kami sa taas at halos maluha na talaga siya. Bilang reward naman, medyo nauna kami sa mas marami kaya nakapag-top load kami. Masaya naman na naka-topload masakit nga lang sa ano lalo na pag malubak. parang nawala naman ang pagod ni Andrea kasi tumatawa na ulit siya at syempre, picture pa rin!


Madilim na nung nakarating kami ng bahay. Nagbanlaw na kami at pagkatapos ay naghanap na ng makakainan para makatulog na. Pero di naman kailangan maghanap kasi sa Sudimay pa rin ang bagsak namin. Ka-close na talaga namin si manang nung huling gabi namin dito. Syempre si Niels may baon pa ring cup noodles. Tinola at fried chicken ang inulam namin. Sarap talaga kumain pag sobrang gutom ka tapos malamig pa ng sobra tapos mainit yung kinakain mo. Umorder pa nga kami ng extra rice na libre.. hmmm nyahaha. Pagbalik namin ng lodge, naupo pa muna kami sa mga bench sandali at nagkwentuhan. Pero maya-maya lang pumasok na dahil pagod talaga. Niyaya pa nga kami mag-inuman ng mga classmate namin pero di na kami sumama. Kami na lang nag-inuman ni Andrea nung natirang Tapuy. Dinaya pa nga ako kasi equal daw na hati pero di niya naman iniinom, pinapasa lang sa akin. Maya-maya lang, pinatay na namin ang ilaw at dahil medyo lasing pareho (mas lasing daw ako).. natulog na kami. Pero pramis, mainit talaga sa Sagada pag gabi.;)


Syempre, nagising pa rin ako ng madaling araw dahil sa Bermont's.


February 12, 2006


Maaga kami nagising kasi ngayong araw na kami aalis. Hanggang 11 lang daw kasi ang byahe papuntang Baguio at ayaw namin maiwan. Bago tuluyang umalis, tumingin pa kami sa ibang souvenir shop dito na ako bumili ng table runner at si Andrea ang pumili ng bagay sa mesa namin. 0930am, nagpunta na kami sa terminal at naghintay at 1000am, umalis na ang bus. Malaki atraso ko kay Andrea kasi nahilo ako sa byahe at natulog na lang ako buong byahe at ginawa ko siyang unan at ang baho daw ng ulo ko. Pero pagkatapos ng lahat ng yun, sinabi niya pa rin na ok lang daw at inalagaan niya pa rin ako. Thank you. 0400 na kami nakarating ng Baguio. Medyo hilo pa at hindi makapag-orient ng maayos kaya hinayaan ko na lang silang umuna at sumunod lang ako. Nagdecide muna kaming kumain at dahil halos simot na ang funds, sa carinderia na lang kami kumain. Adobo at laing ang order namin. Pagkatapos kumain, ok na ako. Pumunta kami sa terminal ng Victory pero masyadong maraming nagbabalak umuwi ng Maynila kaya medyo nahirapan kami. 0600pm pa daw posibleng magkaroon ng byahe pero chance passenger pa yun. 1 1/2 oras pa kaya naisipan muna naming mag-ikot. Sa Burnham park kami nagpunta at maraming tiangge dun. Swerte na rin kasi dito na kami nakakita ng mga pasalubong namin. Bumili kami ng mga produkto ng Baguio tulad ng lengua de gato, strawberry jam at kung anu-ano pa. Si Niels ang pinakamaraming binili sa amin. May nakita kaming pinagawa ni Niels na pangalan na inukit sa marble. Nainggit kami kaya nagpagawa rin kami ng sa amin na heart-shaped. Si Andrea naman, nag-ukay pa pero hindi ng damit kundi ng mga stuff toy na ibibigay niya kay shamir at kay jane. Pagkatapos dun, bumalik na kami sa terminal ng Victory at habang naghihintay sa pila ng chance passenger, biglang may open na bagong byahe. Bumili agad kami ng ticket at lahat kami ay nagkaroon agad ng maayos na upuan. Di nagtagal at napuno na rin ang bus. Umalis kami at habang pababa ng Baguio, may fireworks dislay at kahit nasa loob ng bus ay pinanood namin yun ni Andrea. Dahil na rin sa sobrang pagod, natulog ulit ako at ginawang unan si Andrea. Siya naman ay nanood lang ng King Kong at flight plan. Hatinggabi na rin kami nakarating ng Manila at bago tuluyang nagpaalam, nagpasalamat sa isa't isa kasi sobrang naging enjoy talaga ang byahe namin na yun at nangako na lang na babalik pa ulit kami sa Sagada..

Sunday, September 03, 2006

08:23 pm

"Here Without You"

A hundred days have made me older
Since the last time that I saw your pretty face
A thousand lies have made me colder
And I don't think I can look at this the same
But all the miles that separate
Disappear now when I'm dreaming of your face

I'm here without you baby
But you're still on my lonely mind
I think about you baby
And I dream about you all the time
I'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight it's only you and me

The miles just keep rollin'
As the people leave their way to say hello
I've heard this life is overrated
But I hope that it gets better as we go

I'm here without you baby
But you're still on my lonely mind
I think about you baby
And I dream about you all the time
I'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight its only you and me

Everything I know, and anywhere I go
It gets hard but it wont take away my love
And when the last one falls
When it's all said and done
It gets hard but it wont take away my love

I'm here without you baby
But you're still on my lonely mind
I think about you baby
And I dream about you all the time
I'm here without you baby
But you're still with me in my dreams
And tonight its only you and me